Martes, Enero 27, 2015

For the friend I'll never have again.

Hanggang ngayon naghahanap pa din ako ng kasagutan,
Nag-iisip, nag-tataka lahat ay palaisipan.
Lahat ay bigla mong iniwan,
Ng hindi namin alam ang dahilan.

Anong nangyari sa mga pangarap?
Naglaho parang bula.
Anong nangyari sa mga pangako
Na tayo'y gagawa ng laro?

Ilang taon na din ang lumipas,
Mga alaala mo'y di pa din kumukupas.
Bakit mo nga ba pinalagpas?
Bakit di mo sa amin nilabas?

Buhay na binigyan ng wakas
Bakit nawala ang iyong lakas?
Bakit ka bumitiw?
Di ka na ba naaaliw?

Inaantay kita sa panaginip,
Ako'y laging naiinip.
Wala pa ding kasagutan
Ang aking mga katanungan.

0 Mga Komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home